Biyernes, Pebrero 1, 2013

BACOLOD

Dakbanwa sang Bacolod

Ang Lungsod ng Bacolod ay ang kabisera at pinaka-maunlad na lugar sa probinsya ng Kanlurang Negros. Ayon sa 2007 may total na populasyon na 499,497. Ang lungod ay kilala para sa piesta ng MassKara na nangyayari sa Oktobre at tinatawag rin bilang "The City of Smiles" at "Football City of the Philippines". Ang Bacolod ay bago lang nanguna sa survey ng MoneySense Magazine bilang pinaka-magandang lugar na tirahan.

Hiligaynon (Ilonggo) ang pangunahing salita na ginagamit sa Bacolod. Ang pangunahing kalakal ng pulo ng Negros ay asukal, kung saan ang pinakamalaking kumpanya ng tagagawa ng asukal, ang Victorias Milling Company ay naroroon. Ang Bacolod ang sentro ng kalakal sa pagpapaluwas ng asukal galing sa pulo patungo sa iba't ibang bahagi ng kapuluan at sa pagluwas sa ibang bansa.

KASAYSAYAN
Ang pangalan ng lungsod ay galing sa isang Salitang Hiligaynon na "Bacolod" na ibig sabihin ay Stonehill nang naging isang tirahan ito nang 1770 sa isang mabatong burol na ngayon ay ang distrikto ng Granada.
Dahil sa mga pananakop ng mga Muslim, inilipat ang lugar sa tabing-dagat. Ang lugar ay tinawag na Da-an Banwa na ibig sabihin na "Lumang Lugar"
Noong 1894 sa utos ni Gobernador General Claveria ang Bacolod ay naging kabisera ng Kanlurang Negros. Si Bernardino de los Santos ay naging unang Gobernadorcillo at si Julian Gonzaga bilang unang Pari.


MAGAGANDANG LUGAR

  
MT. KANLAON
Ang Bundok Kanlaon ay matatagpuan sa pagitan ng mga lalawigang Negros Occidental at Negros Oriental sa Kapuluang Visayas ng Pilipinas. Umaabot sa dalawang libo apat na raan at tatlumpu't limang (2,435) metro ang taas nito at angdiameter ay tatlumpung (30) kilometro. Isa ding bulkan ang Bundok Kanlaon. Makikita ang dalawang bukana ng bundok na bumubuo sa dalawang lawa nito sa tuktok. Ang masmalaking lawa'y matatagpuan sa may hilaga at ang maliit sa timog. Matatagpuan ang tatlong mga bukal na Bucalan, Bungol at Mambucal sa Bundok Kanlaon na naglalabas ng mainit na tubig mula sa ilalim. Matatagpuan din sa tagiliran ng bundok ang Bundok Silay at Bundok Mandalagan sa may hilagang bahagi nito. Ito rin ang pinakamataas na bundok sa Visayas.


SAN SEBASTIAN

Isa din ito sa mga ipinagmamalaki ng mga Ilonggo. Itinayo ito noong January 20, 1882 at ito ay naging ganap na katedral ay noong June 23, 1933. Pagkalipas ng tatlong taon ay pinaganda pa ito ni Msgr. Casiniro M. Lladoc D.D. Marami ang nagsisimba dito dahil sa laki at kagandahan ng lugar.

THE RUINS

Isa ito sa pinaka magandang lugar sa Bacolod. Ito ay pagmamay-ari ni Don Mariano Ledesma Lacson at ang kanyang asawa na si Maria Braga. Ito ay makikita mismo sa Talisay, Negros Occidental. Tinatawag din itong The Ruins. Maraming turista ngayon ang dumarayo ditto dahil sa kagandahan ng istraktura.



MASSKARA FESTIVAL


Unang ginanap ang MassKara Festival bilang panghalili sa kinagawian nang pagdiriwang sa Bacolod na kinatatampukan ng parada ng mga militar, pagkilala sa ilang mga piling personalidad at mga programang musikal tuwing anibersaryo nang pagkakatatag ng naturang lungsod. Nagsimula ito noong panahon ng krisis sa naturang bayan.
Ang MassKara ay mayroong dalawang kahulugan. Una, ito ay resulta ng pinagsamang Ingles na salitang “mass” na ang ibig sabihin ay “marami” at Español na salitang “kara,” na nangangahulugan ng “mukha.” MassKara rin ang lokal na tawag sa salitang “mask”, na itinuturing ngayong isang malaking parte nang pagdiriwang.
Ang konsepto ng pagsasama ng mga salitang “mass” at “kara” ay nagmula sa dating pangulo ng Asosasyong Pang-sining ng Bacolod na si Ely Santiago, na sinuportahan naman ng dating tagapangasiwa sa turismo ng lungsod na si Romeo Geocadin at dating puno ng Kagawaran ng Turismo sa Negros Occidental na si Atty. Evelio R. Leonardia. Mula sa isang konsepto ay ipinagdiwang ang unang MassKara Festival noong 1981.
Makalipas ang tatlong taon, itinigil ang pagdiriwang ngunit dahil na rin sa pagsisikap ni Leonarida, nakakalap ang lungsod ng suporta mula sa pamahalaan at mga pribadong sektor upang maipagpatuloy ang pagdiriwang taun-taon.


MGA PAGKAIN

                                Image
LA PAZ BATCHOY


INASAL


                                            
PIAYA

BISCOCHO

BARQUILLOS

PANGKAT ANIM

Ito po ang aming proyekto sa asignaturang Filipino sa ilalim ng pamumuno ni Bb. Karen Flotildes.



Ang mga miyembro ng pangkat anim at bumubuo ng pahinang ito ay sina:

Clarisse Mae Lopez
Kathleen Recto 
Patricia Dawal
Angelica Balaba
Redelyn Tolentino
Maria Kristine Ang
Nicole Vergel De Dios

Maraming Salamat po!!!!

4 (na) komento: